For the English version of this article, click here.
Ang Shopee Returns Window ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga buyer na suriin kung may problema ang kanilang natanggap na order, o kung magbago ang kanyang isip na bilhin ang produkto (para sa piling item lamang). Maaari siyang mag-raise ng return/refund request sa pagkakataong ito, kahit pa na tinanggap na nito ang order at ito ay nasa Completed tab na.
Seller Type | Buyer Confirm Time | Shopee Returns Window |
Mall | 7 days from delivery | 15 days from delivery |
Non-Mall | 3 days from delivery | 7 days from delivery |
Pagkumpirma na natanggap na ang order
Ang mga buyer ay pinapakiusapan na kumpirmahin kung natanggap na nito ang kanilang order sa loob ng Buyer Confirmation Time. Kung hindi, ang order ay magiging automatically completed na at ang bayad ay ibibigay na sa seller.
Pag nag-file ng Return/Refund sa mga Orders
Para sa mga buyer na hindi nasiyahan sa kanilang order (o kaya ay nagkaroon ng Change of Mind para sa mga eligible order), maaaring mag-file ng request para sa Return/Refund bago matapos ang Shopee Returns Window.
Depende kung kailan ang pag file ng Return/Refund ng Buyer, ang order ay makikita sa sumusunod na My Purchases tab:
Panahon ng pag file ng Return/Refund Request | Order Tab Location |
Bago makumpleto ang order (bago pindutin ng Buyer ang Order Received) | TO RECEIVE |
Pagkatapos makumpleto ang order (pagkatapos pindutin ang Order Received, o pagkatapos ng Buyer Confirmation Time) | COMPLETED |
Alamin pa ang tungkol sa pag-check ng status ng iyong return/refund request, kung paano kunin ang iyong refund para sa mga cancelled na order, kung ano ang mangyayari pagkatapos matanggap ng Seller ang iyong return/refund request, at kung paano ka makakapag-request ng return/refund.